Warning: Yet just another
tagalog emo post.
Umuulan.
Dinig ko sa labas ang pabugso bugsong patak ng tubig, tila nang-iinis, tila nagpapakita ng masamang pangitain.
Hindi raw ako maaring lumabas, sabi ng ulan. Masaya siya, dahil hindi nga naman talaga puwede. Sa oras na ito, karapat dapat lamang sa akin ay humiga at pumikit. Ngunit, yun na lamang ang aking ginawa magdamag -- humiga, pumikit, at maghintay ng oras tungo sa kawalan.
"Edi lumabas ako". Parang gago lang eh. Ito ang solusyon sa aking nakakairitang problema. Ngunit hindi madali iyon. Una sa lahat, walang nagaaya sa akin lumabas. Tila nakalimutan nila na ngayon ay sabado, na dapat sinusubukan namin tumugtog sa banda. Pero nasaan sila? Nawawala. Hindi nagpaparamdam. Hindi mo makausap ng matino dahil masyado nang na-enganyo sa nilalaro. Anak ng lecheng santo. Matapos natin pagkagastuhan ang hilig natin, iiwanan niyo nalang basta? Sabi na nga ba, at walang patutunguhan ang mga taong katulad natin.
Naghanap nalang ako ng kausap. Mayroon namang sumagot,
siya, subalit hindi ako kinakausap ng matino. Ang atensiyon niya ay nasa ibang lugar. Ang puso niya ay nasa ibang tao. Hindi ko kaya iyon kumpitensiyahin. Matapos niya sabihin ang mga bagay na iyon, ganoon na lamang ang kaniyang ginagawa. Sa puntong ito, hindi ko na talaga maintindihan kung ano talaga ang nangyayari. Marahil, dahil na rin sa paglabas ng aking totoong sarili -- isang batang makasarili at maramdamin. Nagbabago na kami. At hindi maganda ang nakikita kong pinatutunguhan nito. Pakiramdam ko, mas makakabuti na nga na hindi nalang kami mag-usap pang muli.
Matapos ng lahat ng ito, may mga realisasyon at rebelesasyon na naganap. Maraming
pagkukulang sa mga tao. Maraming pangarap na gustong makamit subalit
may mga humahadlang. Maraming lugar at pangyayaring gusto puntahan, ngunit
walang may gusto sumama. Maraming taong pilit kinikilala, subalit
pilit nilalayo ang sarili sa kanila. Paminsan, hindi na rin nakakatawa. Hindi ko naman pasan ang mundo, pero hindi ko maiwasang isipin na may mga araw na galit ito sa akin.
Tungo sa aking hindi nakakasigurong hinaharap, mayroon din akong mga panahon ng kahinaan. At sa mga panahon na ito, gustuhin ko mang may kasama ako, may kausap at isang balikat na maiiyakan, wala akong makita. Kumot, unan, higaan at gitara lamang ang aking kaibigan ngayong gabi.